Ang Magkaibigan GDViloria Magkaklase at matalik na magkaibigan sina Elmer at Erwin. Magkalapit lámang ang kanilang mga bahay kayâ sabay siláng nag-aaral at gumagawa ng kanilang mga aralín at proyekto sa kanilang asignatura. Hindi nila pinababayaan ang kanilang pag-aaral. Sa makatuwid ay pareho siláng laging napaparangalan. Sa kabila ng kanilang kasipagan sa pag-aaral ay hindi rin naman nila nakakalimutan ang paglalaro bílang libangan. Pareho siláng mahilig sa sipa, patintero, tumbang preso at luksong tinik. Isang araw, nagkayayaan ang dalawang magkaibigan na tumulong sa pagtanggal ng damo sa bakuran nila Elmer sapagkat balak nilang magtanim ng mga halamang gamot. Hindi namamalayan ng dalawa na pabuhos ang malakas na ulan kung kaya’t inabutan sila nito. Agad nilang pinatuyo ang kanilang mga sarili at nagpalit ng damit. Pagkaraan ay nagpaalam na rin si Erwin pagkatapos makakain ng mainit na sopas. Kinaumagahan sa paaralan, hinan...