Ang Magkaibigan, Gdviloria, Magkaklase At Matalik Na Magkaibigan Sina Elmer At Erwin., Magkalapit L\

Ang Magkaibigan

GDViloria

Magkaklase at matalik na magkaibigan sina Elmer at Erwin.
Magkalapit lámang ang kanilang mga bahay kayâ sabay siláng
nag-aaral at gumagawa ng kanilang mga aralín at proyekto sa
kanilang asignatura.






Hindi nila pinababayaan ang kanilang pag-aaral.
Sa makatuwid ay pareho siláng laging napaparangalan. Sa kabila ng
kanilang kasipagan sa pag-aaral ay hindi rin naman nila
nakakalimutan ang paglalaro bílang libangan. Pareho siláng mahilig
sa sipa, patintero, tumbang preso at luksong tinik.
Isang araw, nagkayayaan ang dalawang magkaibigan na
tumulong sa pagtanggal ng damo sa bakuran nila Elmer sapagkat
balak nilang magtanim ng mga halamang gamot. Hindi
namamalayan ng dalawa na pabuhos ang malakas na ulan kung
kaya’t inabutan sila nito. Agad nilang pinatuyo ang kanilang mga
sarili at nagpalit ng damit.
Pagkaraan ay nagpaalam na rin si Erwin pagkatapos makakain
ng mainit na sopas.
Kinaumagahan sa paaralan, hinanap ni Elmer ang kaniyang
kaibigan sapagkat bakante ang kaniyang upuan. Tinanong niya ang
kanyang guro, “Ma’am, napansin po ba ninyo si Erwin?” “Siya ay
sinundo ng kaniyang ina kani-kanina sapagkat siya ay nilalagnat”,
sagot ng kaniyang guro.
Naisip tuloy ni Elmer na marahil ito ay dahil sa sila ay naulanan.
Siya ay nag-aalala sa kanyang kaibigan kaya dinalaw niya ito sa
bahay. “Erwin, kumusta ka na? Narito ang mainit na lugaw, at
mansanas”, ang wika niya. “Salamat nang marami, kaibigan”, tugon
ni Erwin. Maya–maya ay kinuha ni Elmer ang plangganita at kumuha
ng maligamgam na tubig at bimpo at saka pinunasan ang kaibigan.
Nakita ito ng ina ni Erwin kung kaya’t lubhang natuwa at humanga sa
pagmamalasakit nito sa kaniyang anak.
Naging mabilis ang paggaling ni Erwin kung kaya’t muli siyang
nakapasok sa paaralan. Nagpatuloy ang mabuting pag-aaral ng
dalawang magkaibigan.





Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Sagutin ang sumusunod na
mga katanungan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
Ang Magkaibigan po.
2. Sino ang dalawang magkaibigan?
Si Erwin po at Elmer.
3. Ano ang nangyari kay Erwin? Bakit?
Nilalagnat po siya, Dahil po nabasa sila ng malakas na ulan.
4. Ano ang ginawa ni Elmer bilang kaibigan ni Erwin?

5. Anong katangian ang ipinamalas ni Elmer sa kaibigan? Mabuti ba
itong gayahin? Bakit?

 

use code c u m pooop sift sift


Comments