Sesong Tanong 1 . Ano Ang Masasabi Mo Tungkol Sa Ibat Ibang Estado Ng Pamumuhay? Ipaliwanag

Sesong Tanong 1 . Ano ang masasabi mo tungkol sa ibat ibang estado ng pamumuhay? Ipaliwanag

Estado ng Pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa ibat-ibang estado ng pamumuhay?

Para sa akin, ang estado ng pamumuhay ng ating mga ninuno ay payak lamang. Kung ikaw ay ipinanganak na isang alipin, ang gagawin mo lamang ay pagsilbihan ang iyong mga amo. Kung ikaw naman ay ipinanganak na malaya, kailangan mo lang magtrabaho upang mayroon kayong makain ng iyong pamilya. Kung ikaw naman ay isang mangangalakal, maaari kang magbarter ng iyong mga produkto sa ibang mga barangay o sa ibang mga lahi. Kung ikaw naman ay isang maharlika o ang datu mismo, mas marami ang iyong karapatan at kapangyarihan sa lipunan at mas maganda ang antas ng iyong pamumuhay.

2. May pagkakatulad ba ang pamumuhay sa kasalukuyang panahon?

Para sa akin, hindi na magkatulad ang pamumuhay noon at ngayon. Unang-una, illegal na sa kasalukuyan ang pagkakaroon ng mga alipin. Ikalawa, ang mga tao ngayon ay mas nakatuon na ang pokus kung paano sila kikita ng pera. Sa kabilang banda, pareho pa rin ang antas ng pamumuhay ng mga mayaman at mga lumaki sa mga maimpluwensyang angkan at mga pulitiko – masagana pa rin ang kanilang pamumuhay.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa mga sinaunang Pilipino, bisitahin lamang ang link na ito:

brainly.ph/question/157630

brainly.ph/question/439434

#BrainlyEveryday

Explanation:


Comments