Gawain 7. Mula Sa Mga Nakatalang Paksa, Bumuo Ng Mga Pangungusap. Sikaping Mapalawak Ito Sa Tulong N
Gawain 7. Mula sa mga nakatalang paksa, bumuo ng mga pangungusap. Sikaping mapalawak ito sa tulong ng panaguri o paksa. Pumili ng isang paksa. Ipaliwanag ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Pandemya ng COVID 19 2. Mataas na Halaga ng Faceshield 3. Pagdami ng Nawalan ng Trabaho sa Panahon ng Pandemya 4. Pagsasara ng ABS CBN 5. Korupsiyon sa PhilHealth 6. Diskriminasyon sa mga Frontliners Format: Pangalan: Aktibiti: Seksiyon: Petsa: Diskriminasyon sa mga Frontliners Sa panahon ng kawalan ng lunas sa Pandemya ng COVID 19, marami sa ating mga kababayan ang nakaranas ng diskriminasyon sa pamamagitan ng pagpapaalis sa kanilang inuupahang bahay,pagbubully gamit ang social media at pandidiri ng iba. Sa kalagayan ng kahit sinuman, nandiyan ang kaba para sa kani-kanilang kaligtasan at sa pamilya. Marami ang nangangamba dahil sa takot na madapuan ng sakit na ito at higit sa lahat maaaring mamatay ang sinumang nakaranas na dulot ng sakit na ito. Sadyang makasarili ang iba sa atin. Marami ang nagpapakita ng kawalan ng pang-unawa sa kapwa lalo na sa mga frontliners na nagbubuwis ng kani- kanilang buhay at pamilya sa gitna ng salot na ito. Kung may pagpipilian lamang sila maaaring walang doctor, nurses, medtech, pulisya at iba pang LGU units na buong katapatang nagsisilbi dahil sila man ay naniniguro sa kanilang kaligtasan. Sa gitna ng takot at pangamba, huwag naman sanang mawala ang malasakit at pagmamahal sa kapwa.
Answer:
hindi ko po alam ehh sana pa hearts po plsss
Comments
Post a Comment