Anong Kontinente Ang Pinakamalaki Sa Buong Mundo Mundo?
Anong kontinente ang pinakamalaki sa buong mundo mundo?
Answer:
Asya o Asia
Explanation:
Ano Ang Pinakamalaking Kontinente Sa Buong Daigdig?
Ang lupain ng mundo ay nahahati sa pitong malalaking kontinente: Hilagang Amerika, Timog Amerika, Europa, Asya, Aprika, Australya o Osyanya, at Antarktiko.
Sa pitong kontinente ay may isa na pinakamalaking lupalop at ito ay ang kontinenteng Asya o Asia sa Ingles. Ito rin ang may pinakamalaking bahagi ng populasyon.
Ang dahilan kung bakit pinakamalaki ito ay may sakop ng halos 30% sa kabuuan ng lupa at 8.7% ng buong mundo. Ito ay may sukat ng 44 milyong square kilometro.
Ito ay nahahati sa limang rehiyon: Gitnang Asya, Silangang Asia, Timog Asya, Timog-Silangang Asya, kun saan naroroon ang ating bansang Pilipinas, at Kanlurang Asya. Ngunit ayon sa UN, ito ay nahati sa anim na rehiyon:
- Hilagang Asya
- Gitnang Asya
- Timog-kanlurang Asya
- Timog Asya
- Silangang Asya
- Timog-silangang Asya
Comments
Post a Comment