Aling Mga Imperyo Ang Gumamit Ng ""Divine Origin"" Bilang Batayan Ng Pamumuno?
Aling mga imperyo ang gumamit ng ""Divine Origin"" bilang batayan ng pamumuno?
Answer:
Teorya ng Divine Origin
Naniniwala ang mga Hapones na ang kanilang emperador ay natatangi at hindi karaniwan kung ihahambing sa mga pinuno ng ibang bansa. Mahalaga ang ginampanana ng teorya ng divine origin sa gawi at kaparaanang tinahak ng mga Hapones sa paglilinang ng kabihasnan sa kanilang bansa.
Ang paniniwalang ito ang bumuo sa isipan ng mga Hapones na ang kanilang emperador ay mayroong dakilang kapangyarihang namuno. Bunga nito, natimo sa kanilang isipan na sila at kanilang bansa ang pinakasuperyor sa buong daigdig.
Ayon sa manunulat ng kasaysayan, an Teorya ng Divine Origin ang maaaring naging gabay ng mga Hapones sa kanilang pag-aakalang sila ang tanging tagapagtanggol ng mga bansa sa Asya. Ito rin marahil ang nag-udyok sa mga Hapones na tangkaing sakupin at pamunuan ang buong kontinente ng Asya sa ilalim ng programang Greater East Asia Coprosperity Sphere.
Sa kabila ng mga pangyayaring naganap sa Asya na pinaniniwalaang ibinunga ng kaisipang teorya ng Divine Origin. May mga positibong ibinuga rin ito. Ito ang naglinang ng kinikinila at hinahangaang pag-uugali sa paggawa ng mga Hapones na isa sa pinakamahalagang salik na nagpaunlad sa bansa.
link: http://japanthepasttopresent.blogspot.com/p/naniniwala-ang-mga-hapones-na-ang.html
Pati na rin ang Korea.
Comments
Post a Comment