Sino Nag Nahalal Na Pangulo Ng Pamahalaang Komonwelt?
Sino nag nahalal na pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?
Answer: Ang nahalal na pangulo noong panahong ito ay si Manuel L Quezon. Ang pamahalaang komonwelt ay itinatag sa bansa noong taong 1935. Ito ay alinsunod o hango sa batas Tydings-Mc Duffie ng Amerika na nagsasabing ipagkakaloob ang kalayaan ng bansa sa loob ng 10 taon. Bukod kay Manuel Quezon, si Sergio Osmena ay nahalal din bilang pangalawang pangulo ng pamahalaang komonwelt.
Ang pamahalaang komonwelt ay mayroong layunin na sanayin at turuan ang mga Pilipino na pamahalaan ang ating bansa. Ito ay mayroon ding layunin na patatagin ang ating politika at paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino. Binubuo ito ng tatlong sangay ng pamahalaan.
Tingnan ang link para sa karagdagang kaalaman tungkol sa kahulugan ng pamahalaang komonwelt brainly.ph/question/249524
#LetsStudy
Explanation:
Comments
Post a Comment